PINIGILAN SA TOMA, BUNSO TINARAKAN NI KUYA 

sinaksak

BULACAN – LUMUWA ang bituka ng isang 46-anyos na lalaki na namatay nang dalawang beses na saksakin ng kanyang nakababatang kapatid na pinigilan niya sa labis na pag-inom ng alak sa Barangay Baraka, Norzagaray, noong Hul­yo 30.

Ayon kay PCol. Chito Barsaluna, sising-awa ngayon ang suspek na si Edmundo Dador y Macalinao, 42, construction worker, at residente ng 2429 Lamesa, Brgy. Ugong, Valenzuela City, nang mahimasmasan habang naghihimas ng rehas sa Norzagaray Municipal Police Station.

Nabatid na pag-uwi sa kanilang barracks, nagalit ang biktimang si Domingo Dador y Macalinao, 46-anyos, may ka-live-in partner, sa suspek kung saan sa sobrang kalasingan ng suspek ay naghahamon na ng away.

Tinangkang suntukin ni Domingo ang nakababatang si Edmundo na may dala pa lang patalim kaya sinaksak nang dalawang beses sa bituka ang biktima na namatay noon din. A. BORLONGAN

Comments are closed.