PINOY CYCLISTS SA ‘RISE UP, SHAPE UP’

Celia Kiram

ISA na namang kapana-panabik na webinar series ang naghihintay sa Women in Sports fans at  enthusiasts sa pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) ng dalawang  virtual episodes ng Rise Up Shape Up ngayong weekend.

Ang nalalapit na episode sa MTB ay tatampukan ng dalawang pro cyclists — Staff Sgt. Alfie ‘Pursuit King’ Catalan at Sgt. Alvin Benosa — na magbabahagi ng kanilang pangkalahatang ideya sa mountain biking na magsisilbing gabay ng mga  beginners upang higit na maunawaan ang sport.

Si Catalan ay gold medalist sa Southeast Asian Games at nagsisilbi ngayong captain ng Philippine Army cycling team, habang si Benosa ang reigning champion ng Timberland King of the Mountain, 7-11 Trails, at Bataan Padyakan. Makakasama nila sa programa sina PhilCycling head coach Ednalyn Hualda at female cyclist Avegail Rombaon.

“MTB allows people to have a form of exercise while also giving them a venue to destress around nature. This activity strengthens the physical, emotional, and mental health, which is why it is highly enjoyed by many,” paliwanag ni PSC oversight Commissioner for Women in Sports Celia Kiram.

Ang “Combatting Fears in Sports and Life” naman ang magiging paksa sa episode sa Linggo kung saan inimbitahan ng ahensiya ang top-notch professionals, sportsmen, at women bilang mga panauhin para masusing talakayin ang ugnayan sa pagitan ng ‘fear at athletic performance’.

Ibabahagi ni Irish Magno, ang unang woman boxer ng bansa na nagkuwalipika sa Olympics, kung paano niya inihahanda ang kanyang pag-iisip para sa anumang high-pressured competition. Ang episode ay tatampukan din ng elite sports coaches na magbabahagi ng kanilang first-hand insights sa kung paano nila natatamo ang balanseng buhay.

“The episode will be a great learning time not only for athletes but also for the rest of Filipinos who need to conquer fear in these trying times,” ani Kiram.

Ang Rise Up, Shape Up ng PSC ay isang weekly web series na naka-stream via Facebook at YouTube tuwing Sabado at Linggo, alas-10:30 ng umaga at alas-7 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.

Para sa karagdagang impormasyon sa Rise Up, Shape Up, bisitahin ang official Facebook page nito sa https://www.facebook.com/riseupshapeup  at YouTube page https://www.youtube.com/riseupshapeup. CLYDE MARIANO

4 thoughts on “PINOY CYCLISTS SA ‘RISE UP, SHAPE UP’”

Comments are closed.