PASOK na si Filipino para-taekwondo bet Allain Ganapin sa Tokyo Paralympics.
Kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee Secretary General Walter Torres kahapon ang Paralympic berth ni Ganapin sa pagsasabing inaprubahan ng international governing body World Taekwondo ang kanyang bipartite application.
“His bipartite application was approved by the World Taekwondo federation so he has been given a bipartite invitation to participate,” pahayag ni Torres sa CNN Philippines.
Ang Bipartite Commission Invitation ay ipinagkakaloob sa para-athletes na hindi nabigyan ng pagkakataon na pormal na magkuwalipika sa Paralympics gamit ang iba pang qualification methods dahil sa “extraordinary circumstances.”
Dahil dito, si Ganapin ay umukit ng kasaysayan bilang isa sa unang jins na sasabak sa naugural Paralympic taekwondo competitions sa Tokyo, Japan ngayong Agosto. Sasalang siya sa men’s K44 -75kg division, kung saan ang mga atleta ay may “unilateral arm amputation (or equivalent loss of function), or loss of toes which impact the ability to lift the heel properly,” ayon sa International Paralympic Committee.
339245 774873I think one of your commercials triggered my web browser to resize, you might want to put that on your blacklist. 134230
933304 555488Billiard is really a game which is mostly played by the high class men and women 245798