PINOY SA INDIA PINAG-IINGAT VS KARAHASAN

DFA

PASAY CITY – NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino worker at tourist na nasa India na pag-ibayuhin ang pag-iingat at umiwas sa mga lugar kung saan may mga rally.

Ginawa ng DFA ang panawagan nang ma­ging marahas ang rally na nauwi sa pagkamatay ng tatlo katao.

Ang malawakang kilos-protesta ay kasunod ng kontrobersiyal na ‘citizenship bill’ sa nasabing bansa.

Sa naturang panukalang batas, bibigyan ng citizenships ang mga non-muslim illegal immigrants mula sa Pakistan, Bangladesh at Afghanis­tan habang hindi naman mabibigyan ng citizenship ang mga Muslim immigrants.

Ayon sa mga kritiko, hindi dapat maging basahan ang relihiyon sa pagbibigay ng citizenship at isa umano itong discrimination sa mga Muslim. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.