UMABOT na sa P121,,697,633 ang halaga ng pinsala na iniwan ng bagyong Pepito sa agrikultura at imprastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Cashean Timbal na ang numero ay nagmula sa Regions 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), at 4A (Calabarzon). Nasa P92,,457,633 ang pinsala sa agrikultura at P29,240,000 sa imprastraktura.
“Infrastructure (damage) are mostly school facilities,” ani Timbal.
Samantala, ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Pepito ay nasa 5,555 o katumbas ng 25,268 indibidwal na naninirahan sa Regions 2, 3, at 4A.
Gayundin ay iniulat ni Timbal na may 89 evacuations ang isinagawa sa Regions 2, 3, at 4A kung saan may kabuuang 3,639 pamilya o 16,343 indibidwal ang pansamantang nanirahan sa mga itinalagang evacuation centers. Nasa 1,789 pamilya o 8,473 indibidwal naman ang nanatili sa labas ng evacuation centers.
“Those (are) consolidated count(s) for Regions 2, 3, and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, and Quezon),” sabi ni Timbal. PNA
Comments are closed.