PINSALA SA AGRI, INFRA NI ‘ODETTE’ P25-B NA

UMABOT na sa mahigit P25 billion ang pinagsamang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang latest report, sinabi ng NDRRMC na ang pinsala sa agrikultura ay nasa mahigit P7.7 billion sa mga rehiyon ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen at Caraga.

Pumalo naman sa P17.5 billion ang pinsala ng bagyo sa imprastruktura sa Mimaropa, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

May kabuuang 606,861 bahay ang winasak ng bagyo sa  Mimaropa, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga at  BARMM.

Sa nasabing bilang, 422,797 ang partially damaged at 184,064 ang totally damaged.

Ang kumpirmadong patay sa bagyo ay 76, habang 74 ang sugatan at siyam ang nawawala.

Bineberipika pa ang report na 331 nasawi, 1,073 sugatan, at 69 nawawala.  PNA