UMAKYAT na sa P8.4 billion ang pinsala ng bagyong Odette sa agrikultura sa ilang lalawigan mula sa naunang pagtaya na P6 billion, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ng DA na 125,161 magsasaka at mangingisda, na may volume ng production loss sa 175,720 metric tons (MT) at 347,072 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.
Ang commodities na naapektuhan ay kinabibilangan ng rice, corn, high value crops, coconut, sugarcane, livestock, at fisheries.
“Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machinery and equipment. These values are subject to validation,” ayon sa DA.
Sinabi pa ng ahensiya na magkakaloob ito ng P2.9 billion na halaga ng ayuda sa mga magsasaka, kabilang ang P1 billion na halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar; P828 million mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na bayad pinsala sa mga apektadong magsasaka;
P500 million sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) para sa 20,000 magsasaka at mangingisda; at P314 million halaga ng rice seeds, P129 million halaga ng corn seeds, at P57 million halaga ng assorted vegetables.
Magkakaloob naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P47 million na halaga ng tulong sa mga apektadong mangingisda.