UMABOT na sa halos P1.6-B ang pinsala sa imprastruktura ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa Abra noong July 27, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa report ng NDRRMC, ang halaga ng 1,519 nawasak na imprastruktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR) ay pumalo sa P1,593,861,827.11.
Karamihan sa mga pinsala, na kinasasangkutan ng 770 imprastruktura ay sa CAR na nagkakahalaga ng P837,813,455.3.
Sumusunod ang Ilocos region na may 597 na nagkakahalaga ng P724,019,209, at Cagayan Valley na may P32,029,162.81 sa 131 damaged infrastructure.
May kabuuang 35,327 bahay rin ang naapektuhan ng lindol sa Ilocos Region, Cagayan Valley, CAR, at National Capital Region (NCR). Sa nasabing bilang, 34,699 bahay ang partially damaged, at ang 628 totally destroyed.
Samantala, ayon sa NDRRMC, iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa P33,227,895 ang halaga ng pinsala ng lindol sa agriculture sector ng CAR, habang inireport ng National Irrigation Administration ang P22,700,000 pinsala sa Ilocos Region at CAR.