HINDI naiwasan ni Piolo Pascual na mag-comment sa Instagram (IG) post ni Rhian Ramos na ikinatuwa naman ng followers ni Rhian. Ipinost kasi ni Rhian ang larawan niya na kung saan naka-stripes ng two piece swimsuit siya na may caption na ayaw raw niyang mag-stripes, pero ang suot na swimsuit ay stripes na bumagay naman sa sobrang ganda at sexy niyang katawan.
Comment nga ni Papa P, “Stripes ka lang lagi,” na sinagot naman ni Rhian na laughing emotion. Marami tuloy ang natuwa at may nag-request na magsama raw sila uli sa pelikula tulad ng ginawa nilang “Silong.”
Samantala, muling masasaksihan ang ganda at galing sa pag-arte ni Rhian sa bago nitong teleserye sa GMA 7, ang “Love of My Life” sa character na naanakan ni Tom Rodriquez.
Sa ginanap na grand presscon ng “Love of My Life” ay masayang-masaya si Rhian dahil may nakasama siya sa serye na very challenging ang role at may anak pa siya.
Makikipagtagisan siya ng acting kay Carla Abellana na may anak din sa ibang lalaki pero pinakasalan ni Tom Rodriquez.
Kasama rin sa cast sina Coney Reyes, Mikael Daez, Vaness del Moral, Samantha Lopes mas kilalang Grasya, Anna Marin, Johnny Revilla at iba pa na ididirek ni Don Michael Perez na magsisimulang umere sa TV on Feb. 3 pagkatapos ng “The Gift” ni Alden Richards.
GERALD ANDERSON TINAWAG NA BALIW NG MGA KAIBIGAN
INIHALINTULAD ni Gerald Anderson ang mga injury niya noon na hindi ininda kay Kobe Bryant. Sa pamamagitan ng mga post niya ng larawan at video tungkol kay Kobe ay sinabi niyang pinapalampas lang niya ang mga natamong injury dahil ganoon ang kanyang idol na si Kobe.
Dahil nga rito ay tinatawag siya tuloy na siraulo at baliw ng mga kaibigan at kakilala dahil sa halip na ipahinga ang katawan ay idinadaan pa rin niya sa training na siyang ginagawa ni Kobe.
Sa sobrang paghanga niya kay Kobe ay araw-araw niyang pinag-aaralan at pinapanood ang mga video ni nito sa tuwing nakakahanap siya ng kopya.
Kahit na makailang beses na niyang nabasa ang libro ni Kobe ay paulit-ulit pa rin niya itong binabasa para makakuha ng iba pang kaalaman.
Isa rin si Gerald sa mga tagahanga at nagmamahal kay Kobe kaya itinuring niyang sad day ang biglaang pagkamatay ng basketball legend.
Samantala, malaking aral din ang naituro kay Gerald sa mga kinasangkutang isyu, lalo na ang isyu sa kanila ni Julia Barretto.
Comments are closed.