MAGLALABAS ng Department Or- der ang Department of Trade and Industry (DTI) para mapigilan ang mga motorcycle dealer na pilitin ang kanilang mga customer na bumili ng hulugan.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay tinanong ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite, si Trade Secretary Ramon Lopez kung tataas pa sa 36% ang interest ng motorcycle units sa ilalim ng installment payment basis.
Ayon kay Lopez, may mga installment packages subalit dapat ay may choice ang consumers kung gusto na bayaran ng cash at ayaw ng hulugan o installment na dapat payagan ng dealers.
Subalit base umano sa mga reklamo na nakarating sa kalihim ay madalas pinipilit na bumili ng installment kahit gusto ng isang customer ay cash kaya maglalabas umano ang ahensiya ng DO laban dito.
Ang paglilimita umano ng mga dealer sa kanilang mga customer sa installment payment scheme sa pagbili ng motorsiklo ay kabilang sa 3,000 reklamo na natanggap ng DTI sa kanilang Fair Trade Enforcement Bureau, gayundin ang hindi paglalabas ng official receipts (OR) at certificate of registrations (CRs) ,depektibong units at hindi paglalabas ng certificates of full payment.
Sa 3,000 reklamo ay 287 dito ang naresolba na ng DTI sa pamamagitan ng mediation. LIZA SORIANO
Comments are closed.