BUMAWI ang Philippine peso laban sa US dollar kahapon sa likod ng ‘sustained flows’ kasunod ng pagpapalabas sa overseas economic data.
Ang local currency ay lumakas ng 34 centavos upang magsara sa P50.63:$1 kahapon mula sa P50.97:$1 noong Biyernes.
“Peso gained on sustained flows after China’s PMI fell more than expected, progressing throughout the day and propping up local currency,” pahayag ni Robert Dan Roces, assistant vice president and chief economist sa Security Bank Corp.
Sa ulat ng Reuters, ang Caixin/Markit Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ay bumagsak sa 40.3 noong Pebrero, mas mababa sa 51.1 reading noong Enero, at pinakamababa buhat nang simulan ang survey noong 2004.
“The PMI is a composite indicator of the manufacturing sector’s performance, with 50.0 as the threshold. A reading above 50 indicates growth, while below 50 is a contraction.”
Tumaas naman ang IHS Markit Philippines Manufacturing PMI sa 52.3 noong Pebrero mula sa 52.1 noong Enero.
Comments are closed.