HUMINA pa ang Philippine peso sa lagpas sa P53:$1 level ngayong araw, ang panibagong pinakamababa sa loob ng halos 12 taon.
Ang local currency ay nabawasan ng 4 centavos upang magsara sa P53.27 mula sa P53.23:$1 noong Miyerkoles, ang pinakamahina nito sa loob ng 12 taon magmula nang magsara sa P53.55:$1 noong Hunyo 29, 2006.
“I think the peso depreciation in recent days was brought about by a confluence of external and domestic factors,” wika ni Angelo Taningco, economist sa Security Bank Corp.
“Externally, the Fed’s latest rate hike and its steeper rate hike path coupled with risk-off sentiment in certain emerging markets have likely contributed to the peso depreciation,” sabi pa niya.
Sa policy meeting nito noong Hunyo 12 at 13, ang Board of Governors ng Federal Reserve System ay nagkakaisang bumoto na itaas ang interest rates sa required at excess reserve balances sa 1.95 percent simula sa Hunyo 14.
Sinabi naman ni BDO Capital and Investment Corp. President Ed Francisco na ang dollar-denominated assets ay higit na naging ‘kaakit-akit’.
“With Fed raising, then US dollar assets get more attractive and really hurts others, including us,” aniya.
Sa local front ay tinukoy rin ni Taningco ang mahinang economic data na nakaapekto sa piso.
“Domestically, rising inflation, widening trade and BOP (balance of payment) deficits, and a drop in foreign reserves likewise exerted depreciation pressures on the peso,” dagdag pa niya.
Comments are closed.