WALANG panibagong ‘pasabog’ sa rematch ng Los Angeles Lakers at bisitang Detroit Pistons.
At bagama’t gaya ng una nilang paghaharap ay panalo ulit ang Lakers, 110-106, hindi nangyari ang inaasahang pagresbak ni Pistons big Isaiah Stewart makaraang masuspinde ng dalawang games matapos sugurin si Lakers superstar Lebron James, na suspended naman ng isang laro dahil sa paniniko na ikinadugo ng mukha ng una.
Kinailangan ng Lakers ang kanilang big three (Lebron, Anthony Davis at Russell Westbrook), na nagtulong para dispatsahin ang Pistons. Nagposte si James ng 33 points, nine assists at five rebounds, si Westbrook ay may 25 points, nine assists at six rebounds, habang si Davis ay nagsumite ng 24 points at 10 rebounds para sa total 82 points.
Namuno si Grant sa Pistons, 32 points (11 for 20 shooting, 4 for 6 sa 3-point range), nagdagdag si Frank Jackson ng 17 points off the bench, si Cade Cunningham ay may 15 points at 10 rebounds, at 13 points at seven rebounds mula kay Trey Lyles.
Samantala, inulan ng “boo” mula sa Lakers fans si Stewart tuwing nakakahawak ng bola, dahilan kaya’t tumapos lamang siya na may five points at six rebounds sa 27 minutong laro.