(Plano ng DA)22,000 MT NG SIBUYAS AANGKATIN

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Deputy spokesperson Rex Estoperez, dapat dumating ang 22,000 MT ng aangkating sibuyas bago ang peak harvest na magsisimula sa Marso.

Dapat aniyang dumating ang mga aangkating sibuyas sa unang linggo ng Pebrero o huling linggo ng Enero upang mapababa ang presyo nito.

Dagdag pa niya, sinisikap ng DA na balansehin ang pangangailangan ng mga consumer sa kapakanan ng mga producer.

Base sa rekomendasyon ng DA, 25% ng aangkating sibuyas ay dadalhin sa Mindanao, 25% sa Visayas, at 50% sa Luzon. Sa 50%, 10% ang puting sibuyas.

Samantala, aminado si Estoperez na nagkaroon ng lapses ang DA sa supply chain ng sibuyas sa bansa.