NAKIPAG-PARTNER ang nangungunang telecoms and digital services provider PLDT sa isa sa nangunguna ring real estate developers, ang Daiichi Properties para palakasin ang fixed and wireless telecommunications infrastructure ng world-class high-rise buildings kamakailan.
Una agad na nilagyan ng PLDT ang gusali ng Daiichi ng high-speed network connectivity of fiber, na may mataas na resolution video capabilities, ganoon din ang ibang topnotch telecommunications services para mapagsilbihan ang pangangailangan sa komunikasyon ng mga residente at tenants ng Daiichi.
“We take pride in partnering with Daiichi Properties to provide the latest communications infrastructure for all its building projects in the country,” pahayag ng PLDT AVP and Head of Building Industry Consultancy Services (BICS) Ronaldo David R. Mendoza.
“As the industry leader, it is our duty to provide secure, efficient and reliable infrastructure for Daiichi Properties and all our other customers as well,” dagdag pa ni Mendoza.
Ayon sa Daiichi Properties Senior Vice President Charmaine Uy, “As a long-time strategic partner, PLDT has provided our buildings with reliable fiber optic technology, ensuring enhanced and efficient connectivity for our tenants.”
Ilan sa notable high-rise projects ng Daiichi Properties ay ang award-winning, premium grade office building, World Plaza, na nasa Bonifacio Glob-al City (BGC). Nasa ground floor ang kauna-unahang PLDT-Smart store, isang one-stop digital hub at converged store, na magsisilbi sa mga customer ng tatlong PLDT Group flagship brands: PLDT, Smart, at Cignal.
Kinikilala ang World Plaza bilang Five-Star Best Office Development sa 2015-2016 Asia Pacific Property Awards and the Gold Winner for Office category sa 2017 FIABCI Philippines Property & Real Estate Awards. Idineklara rin itong Information Technology (IT) building ng the Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ang Daiichi Properties din ang nagtayo ng One Global Place, One World Place, at ang pinakabagong The Finance Center, isang world-class 42-storey office tower, na lahat ay nasa BGC.
Comments are closed.