PNP HPG LADY COPS ‘IBINALA’ SA PASAWAY NA MOTORISTA

Eliseo Cruz

CAMP CRAME – DINAGDAGAN  na ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group ang kanilang mga tauhan para tumulong sa pagbabantay ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Police BGen Eliseo Cruz, hepe ng HPG, mahigit 20 mga babaeng HPG ang ipinakalat nila sa nasabing dambulahang kalsada na magsisilbing dagdag na puwersa sa 170 mga HPG personnel na una na nilang ipinakalat.

Aniya, ang mahigit 20 babaeng patrollers ay bahagi ng 48 babaeng pulis na sumailalim sa 45-araw na pagsasanay at nagtapos ng kurso na may kinalaman sa trapiko.

Kabilang sa mga i­tinuro sa kanila ay safe riding at kung paano rumesponde sa mga krimen sa kalsada.

Paglilinaw ni Cruz, hindi maaring maniket sa mga pasaway na motorista ang mga babaeng HPG.

Ngunit   umaasa si Cruz na magiging malaking tulong ang mga ito dahil iba ang “approach” ng mga babae pagdating sa mga motorista. REA SARMIENTO

Comments are closed.