CAMP CRAME-UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang mababang insidente ng mga krimen sa pag-lift ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o pagpasok ng ‘new normal’.
Ayon kay PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa, kung magtutuloy-tuloy ang trend ng pagbaba ng krimen ay maaring umasa ang mga mamayan sa mas ligtas na pamumuhay sa ilalim ng “the new normal” pagkatapos ng ECQ sa Mayo a-15.
Ang pahayag ni Gamboa ay batay sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) kung saan nakapagtala ng 34.45% porsyentong pagbaba ng national Total Crime Volume sa panahon na umiiral ang ECQ.
Mula sa 58,705 kaso noong Pebrero 1 hanggang Marso 16, bumaba ito sa 38,484 kaso lang nitong Marso a-17 hanggang Abril a-30 sa panahon ng ECQ.
Sinabi rin ni PNP Spokesperson PBGen Bernard Banac na iyon naman mga seryoso o tinatawag na index crimes, na kumakatawan sa 8.8 porsyento ng Total crime volume ay bumaba naman ng 60 porsiyento.
Mula sa 6,756 kaso noong Febrero 1 hanggang Marso 16, bumaba ito sa 2,669 kaso nalang sa panahon ng ECQ mula Marso a-17 hanggang Abril a-30.
Ayon Kay Banac, ang pagbaba ng krimen ay maaring dahil sa: 1) pag-limita sa galaw ng tao sa ilalim ng ECQ , 2) “stay at home” quarantine protocol, 3) mas malawak na presensya ng mga pulis at force multipliers sa mga lansangan, 4) Liquor Ban, at 5) ang mabilis na pagdesponde ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa COVID-19 crisis. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.