HANDA na si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa kanyang bagong bahay habang ipagdiriwang nina fellow Olympic medalists Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang Pasko ngayong taon na magkakapitbahay.
Labis ang pasasalamat ni Diaz sa two-story house na ibinigay sa kanya ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino. Isa ito sa kanyang multi-million rewards sa pagwawagi ng kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
“I am very grateful to Congressman Tolentino for this wonderful and blessed gift,” sabi ni Diaz, na ang mga magulang ay labis din ang katuwaan sa kanilang bagong bahay na nakatayo sa 220-square meter lot na may total floor area na 168 square meters.
Pagkatanggap ng susi ng bahay ay agad na itinuro ni Diaz ang bakuran sa kanang bahagi ng bahay bilang kanyang future home gym.
“This is where I’ll build my home gym,” sabi ni Diaz kayTolentino habang nililibot ang bahay sa loob ng Isabel Heights sa Barangay Kay-bagal Central.
“I’ll keep the backyard as it is—that’s where we do the laundry.”
Samantala, kasalukuyan nang itinatayo sa Barangay San Jose ang bahay na regalo ni Tolentino kina silver medalists Petecio at Paalam and bronze medalist Marcial.
Ang konstruksiyon ay nagsimula isang araw bago isinagawa ng mga medalist, ni Tolentino at ni Senator Francis Tolentino ang ground breaking ceremony.
“This is a very previous gift,” sabi ni Petecio, na hindi napigilan ang kanyang emosyon at niyakap si Tolentino bilang pasasalamat.
140353 845262my English teacher hate me cause i maintain writing about somebody from The WANTED called Jay, she gives me evils and low 826542
102858 343199hi and thanks regarding the certain post ive really been searching regarding this kind of information online for sum time these days hence thanks a lot 244952
563004 773282They call it the self-censor, just because youre too self-conscious of your writing, too judgmental. 469854