(Posibleng ipatupad ng PH gov’t) BAN SA US TRAVELLERS

Maria Rosario Vergeire

POSIBLENG ipagbawal ng pamahalaan ng Filipinas ang pagpasok sa bansa ng mga pasahero mula sa Estados Unidos bilang hakbang para makaiwas sa bagong strain ng COVID-19.

“The policy is yes isasama natin pansamantala (We will include them temporarily),” wika ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang virtual briefing nang tanungin hinggil sa ulat na ang bagong uri ng coronavirus na mas mabilis makahawa ay natuklasan sa Colorado sa US.

“Remember this is not a permanent ban. This is only a temporary time to give us time to assess our situation and to check whether this new variant has already arrived in the Philippines or not yet,” sabi pa ng kalihim.

Nauna nang nagpatupad ng travel ban ang pamalaan sa United Kingdom kung saan unang natuklasan ang bagong strain ng virus, kasama ang 19 na iba pang bansa.

Bukod sa UK, ang travel ban ay ipinatutupad din sa Denmark, Ireland, Japa, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Ice-land, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.

Paliwanag ni Duque, “any country that has reported the new UK variant will be subject to the temporary ban.”

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hihintayin muna nila na opisyal na mag-abiso ang US sa  WHO IHR (International Health Regulations) o opisyal na ianunsiyo ng Amerika ang natuklasang bagong variant sa loob ng kanilang borders.

Ayon kay Duque, ang mga laboratoryo sa bansa — Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine at ang National Institutes for Health — ay kasalukuyang nagsasagawa ng gene sequencing sa mga samples upang malaman kung nakapasok na sa bansa ang bagong strain ng COVID-19. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.