KATATAPOS lamang ni Giannis Antetokounmpo sa laro sa Memphis noong Huwebes ng gabi nang tanungin hinggil sa pagiging magka-teammate nila ni LeBron James sa All-Star Game sa Linggo.
Sumang-ayon si Antetokounmpo nang tanungin kung nais niyang malaman ang iba pa sa starting lineup ng Team LeBron. Sinabihan siya na ito ay sina Luka Doncic, Nikola Jokic at Stephen Curry.
“That’s the starting five? Yeah, it’s over, guys,” ani Antetokounmpo. “Me, LeBron, Luka, Jokic and Steph? Man, that’s a good starting five.”
Sisikapin ng powerhouse starting unit na tulungan si James na umangat sa 4-0 bilang All-Star Game captain sa showdown kontra Team Durant sa Linggo sa Atlanta.
Sina Antetokounmpo, ang two-time reigning league MVP ng Milwaukee Bucks, at James, isang four-time MVP, ay magiging magkakampi sa unang pagkakataon magmula sa 2017 showcase, nang humataw ang noo’y 22-year-old mula sa Greece ng 30 points sa 14-of-17 shooting habang naglalaro sa kanyang unang All-Star Game.
Sabik na si Antetokounmpo na maglaro sa ikalawang pagkakataon kasama ang Los Angeles Lakers’ star.
“He just makes plays,” ani Antetokounmpo patungkol kay James. “Most of the time you’re just wide open, and I’ve never been used to that with somebody else creating the attention and me being wide open all the time. So, I’ve just got to do my job, make the right play, too, and do what I always do: Just play hard and hope I can help him get a win.”
Ang pagkakaroon ng backcourt nina Curry (Golden State Warriors), Doncic (Dallas Mavericks), gayundin ng pass-happy big man Jokic (Denver Nuggets) ay dapat magkaloob ng maraming oportunidad para kay Antetokounmpo, na may average na 27.3 points sa apat na All-Star appearances.
Kasama rin sa Team LeBron ang isang MVP-candidate, sa katauhan ni Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.
Ang lineup ni Kevin Durant ay hindi kasing lakas ng kay James subalit may maipagmamalaki, kabilang sina Nets’ teammates Kyrie Irving (starter) at James Harden (reserve).
Si Durant ay hindi lalaro dahil sa hamstring injury. Pinalitan ni Jayson Tatum ng Boston Celtics si Durant bilang starter. Ang iba pang starters ay sina Joel Embiid (Philadelphia 76ers), Kawhi Leonard (Los Angeles Clippers) at NBA-scoring leader Bradley Beal ng Washington Wizards.
Si Leonard ang MVP noong nakaraang season sa pagsalpak ng walong 3-pointers sa kinamadang 30 points.
Comments are closed.