PRAKTIKAL NA NEGOSYONG PUWEDENG SIMULAN

BUSINESS PLAN

(ni KAT MONDRES)

ANG negosyo ay naaayon sa kung ano ang panahon. May mga patok na business kapag tag-ulan, mayroon ding kapag tag-araw, at may mga negosyo rin naman na puwede sa kahit na anong panahon.

Ngayong tag-ulan, marami pa ring mga negosyante ang nagtatayo ng business. Narito ang ilang praktikal na negosyo na puwede mong umpisahan:

FOOD CART  BUSINESS

Marami nang nagsisilabasan na food cart business. Dito puwede kang magbenta ng iyong mga produkto kagaya ng street food, siomai, siopao, at iba pa.

Para mas mapadali ang pag-uumpisa ng ganitong negosyo, puwede ka na ring bumili ng bundle promos gaya ng Food cart na may kasama ng mga produkto. Hindi mo na kailangan magpagawa ng cart, at pumunta sa palengke para mamili ng mga produkto.

Ngayong tag-ulan, puwede mong ipuwesto ang iyong food cart sa harap ng inyong bahay o kaya naman malapit sa mga eskuwelahan.

Siguraduhin lang na masarap at malinis ang ibebenta nang hindi magkaproblema ang itatayong negosyo.

COFFEE SHOP

Sa negosyong ito ay kinakailangan ng mala­king budget. Ang coffee shop ay hindi lamang swak na negosyo sa tag-ulan kundi pasok pa rin sa kahit na anong panahon at mabenta lalo na kapag ikaw ay malapit sa mga eskuwelahan at opisina.

Lahat nga naman sa panahon ngayon ay nahihilig sa kape. Iba’t ibang flavor na rin ng kape ang nadidiskubre na swak sa panlasa ng kahit na sino.

MAGBENTA NG PAYONG, RAINCOAT AT BOOTS

Ang ganitong pro­dukto ay puwede mong ibenta kahit na sa online. Sa ganitong paraan ay mas lumalawak ang iyong market. Puwede ka ring maglako sa iyong mga kapitbahay at mga kakilala. Ang payong, boots at raincoat ay mga pangunahing pan-ga­ngailangan tuwing tag-ulan.

Maghanap lang din ng mga produktong dekalidad nang matuwa sa iyo ang customer at tangkilikin ang iyong negosyo.

FOOD BUSINESS

Kapag tag-ulan, la­ging hinahanap ang mainit na lugaw, sopas at iba pa. Ito nga naman ang mga pagkaing nakapapawi ng na-darama nating lamig.

Puwede ka ring magtayo ng ganitong klaseng negosyo. Kung wala kang pupuwestuhan ay puwede na sa labas ng inyong ba-hay. Hindi kamahalan ang ingredients sa pagluto ng mga nabanggit na pagkain. Kaya’t abot-kaya ito sa bulsa ng mga mamimili.

Maging maingat lang din sa pagluluto. Sarapan din ito at mag-isip ng iba pang putaheng sa tingin mo ay tatangkilikin ng mga mamimili.

Puwede ka ring magpa-order ng iba’t ibang pagkain.

ONLINE BUSINESS

Kapag tag-ulan, ang mga tao ay kadalasang nasa bahay lang, nagsi-cellphone man o nanonood ng TV. Kapag mag-o-online business, siguraduhin na maraming produkto na ibebenta sa online nang marami ring pagpilian ang mga customer.

Maghanap din ng supplier para malaki ang income na makuha. Mas mainam kung mas mura o mabibigyan ka ng discount ng supplier na iyong kukunin.

Magtiwala lang din sa mapagkakatiwalaang supplier at mga customer.

Kung gusto nating madagdagan ang ating kita, isa sa kaila­ngan nating gawin ay ang magnegosyo. At sa usapang negosyo, marami tayong maiisip. Kailangan lang ng sipag at tiyaga para kumita. (photo mula sa inc.com)

Comments are closed.