HINDI makapaniwala si Mikael Daez na may sarili na siyang underwear collection na gawa ng kanyang iniendorsong underwear na Hanford for almost 5 years na rin.
Sa laki ng tiwala ng Hanford underwear kay Mikael ay binigyang laya nila ang actor na gumawa ng sariling niyang design para sa kanyang underwear na gagamitin, maging classic man ito, gym underwear at beach wear.
Ayon kay Mikael, nagsimula lang sa biro na may sinabi siyang konsepto sa susuotin niyang underwear para sa isang photo shoot. Laking gulat na lang daw niya nang sabihan siya na gumawa na rin ng kanyang underwear collections na ibebenta sa publiko. Natupad ito after one year.
Naging lihim ito sa girlfriend na si Megan Young, at nang ipakita ni Mikael kay Megan ang kanyang collection ng underwear, laking gulat daw ng girlfriend at tila hindi bilib sa kakayanan ng boypren. Pero nang lumaon na raw at nakita na ni Megan na seryoso si Mikael, nagustuhan na rin ito ni Megan. At kung puwede bang isuot ni Megan ang mga underwear collection na gawa ng boypren, say ni Mikael, puwedeng-puwede raw at balak niya itong regaluhan ng mga underwear na design niya.
And for sure isusuot ni Megan ang mga underwear design ni Mikael to show support sa boypren for almost a decade na rin.
MALABO PA RIN ANG KASAL
AND speaking of their relationship, almost 9 years na rin naman na magsyota sina Megan at Mikael at hindi na rin biro ang pinagdaanan ng kanilang relasyon. Naging travel buddy sila, madalas na magkalaro sa gaming online at laging may time sa isa’t isa. Sa tagal na ng relasyon nila ng gf na si Megan, wala pa ba siyang balak na mag-propose ng kasal sa dalaga?
Say ni Mikael, napag-usapan raw nila ni Megan ang tungkol sa kanyang wedding proposal kung ito na lang daw ba ang hinihintay ni Megan mula kay Mikael para tuluyan na silang pakasal.
Ani ni Mikael, malutong na isang ‘no’ diumano raw ang tugon ng gf. Kung kaya wala pang linaw talaga kung kailan sila papakasal o baka hindi na rin sila pakasal, kaya? Ride on na rin si Mikael sa tsikang kasal na diumano sila ni Megan.
Sa tuwinang nagpupunta sila sa ibang bansa na magkasama for their travel adventures na kapwa nila hilig, marami ang naghihinalang nagpakasal na ang dalawa. At sa paulit-ulit na kasalan na ito ay tila bow na lang si Mikael, as in ‘di na lang niya pinapatulan ang kasalan isyu sa kanila ng gf.
Comments are closed.