PRESENSIYA NG PCG, BFAR SA WPS MANANATILI

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang presensiya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni PCG spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela na ipinag-utos ng Pangulo ang patuloy na deployment sa Bajo de Masinloc o mas kilalang Scarborough Shoal sa kanila ng presensiya ng Chinese vessel dito.

Ang Bajo de Masinloc ay isang traditional fishing ground para sa mga Filipinong mangingisda partikular sa mga taga-sa Zambales, Pangsasin at mga kalapit na coastal area ng Northern Luzon.
Dineploy naman ng BFAR ang barkong BRP Datu Tamblot o ang MMOV-3005, Cessna Caravan, RP-1077 at Cessna 208-B na nagmula sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Tarriela, sa isinagawang patrolya ng BFAR sa lugar ay nakabuntot ang barko ng China Coast Guard hanggang sa dumating ito sa Bajo de Masinloc.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Tarriela na mananatili ang kanilang preseniya sa WPS.