PRESO NA NAPALAYA SA GCTA LAW SUMUKO

Duterte

CEBU – ISANG da­ting bilanggo na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang sumuko sa Bogo City.

Ang pagsuko ay ilang oras matapos na ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling arestuhin ng pulisya ang mga preso na nakalaya sa bisa ng nasabing batas.

Kusang nagtungo  sa Bogo City Police Station ang isang national prisoner  pa­sado alas-10:00 ng gabi noong Miyerkoles makaraang marinig ang sinabi ng pangulo sa news program sa telebis­yon.

Kinilala ang sumuko na si Jesus Ranoco Negro Jr., 50-anyos  ng  Brgy. Dakit, Bogo City, Cebu.

Si Negro ay nahatulan sa mga kasong 8 counts ng murder at frustrated murder na nakulong noong Marso 1990 at napalaya nitong Agos­to 9, 2018.

Sa ulat ng Cebu Police Provincial Office, 30 taon na pagkakakulong sa New Bilibid Prisons ang hatol sa convicted na si Negro dahil sa kanyang mga kaso.

Sa ngayon ay nananatili si Negro sa kustodiya ng Bogo City Police Station. Nag-ugat ang pagpapasuko sa mga presong  napalaya sa ilalim ng GCTA Law o Republic Act 10592 nang muntik nang mapalaya si dating Mayor Antonio Sanches na convicted rapist-killer. REA SARMIENTO