PRESO SUMUKA NG DUGO SA SELDA

preso

MAYNILA – SAMU’T SARING sakit ang hini­hinalang naging sanhi matapos na bawian ng buhay ang isang preso nang unang magsuka ng dugo sa loob ng selda nito sa Malate.

Isinugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Bernardo Viloria, 65-anyos, ng Kahilum 1, Pandacan, Manila ngunit hindi na ito nai­salba pa ng mga doktor sa pagamutan.

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) -Police Station 10, hatinggabi noong Miyerkoles ay sunod-sunod ang pag-ubo ng biktima hanggang sa sumuka na ito ng dugo sa loob ng piitan.

Kaagad umano itong ipinagbigay alam sa jail warden na si SPO2 Arnel Santos dahilan para isugod sa pagamutan ang biktima.

Ayon naman sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor, nasawi ang biktima dahil sa Gastro Intestinal Bleeding dahil sa Peptic Ulcer at Myorcadial Infaction.

Nakatakda na sa­nang ilipat sa Manila City Jail ang suspek matapos ipalabas ng korte ang kanyang commitment order.

Si Viloria ay inaresto noong Oktubre 24, sa panulukan ng Maaliwalas at Kahilom St. dahil sa pagka-kasangkot sa bentahan at paggamit ng ilegal na droga.

Wala namang nakitang foul play ang MPD-homicide section sa pagkamatay ng biktima. PAUL ROLDAN

Comments are closed.