MAYNILA – NAGOYO ng isang inmate ang kanyang mga police escort matapos itong umarteng naninikip ang dibdib, nagpasugod sa ospital at sinamantala ang pagkakataon upang makatakas sa Malate district.
Dumaan sa isang maliit na butas sa comfort room ng Ospital ng Maynila si Armand Arroyo, 35, ng Leveriza Street, sa Malate, na mayroong drug case at nakakulong sa Manila Police District (MPD)-Station 9.
Inaresto at ikinulong naman ng awtoridad ang ina ng suspek na si Ma. Teresa Arroyo, matapos kasabwatin ng kanyang anak sa pagtakas mula sa escorts na sina P01 Rolly Lidaño at PO1 Kelvin Ramirez.
Ayon sa report na ipinarating kay Supt. Roberto Domingo, station commander ng MPD-PS 9, ipinatawag ng suspek ang kanyang ina at nagpasugod sa mga pulis sa nasabing ospital saka tumakas.
Samantala, iniutos naman ni MPD Director P/Chief Supt. Rolando Anduyan ang manhunt operation laban sa inmate. PAUL ROLDAN
Comments are closed.