TUMAAS ang presyo ng ilang gulay at baboy sa Quezon City, lalo na sa Tandang Sora Market at Mega Q Mart, 47 araw bago mag-Pasko.
Sumipa ang presyo ng talong at ampalaya sa Tandang Sora Market, na nasa P80 bawat kilo mula sa P60 bawat kilo. Tumaas din ang presyo ng carrots at repolyo mula sa P80 bawat kilo, ayon sa pagkakasunod.
Doble naman ang itinaas ng kamatis na dating P40 bawat kilo, at nasa P80 bawat kilo na ngayon.
Tumaas din ang presyo ng patatas na nasa P120 bawat kilo, mula sa P80 bawat kilo. Steady ang presyo ng bawang at sibuyas na nasa P80 bawat kilo at luya na nasa P100 bawat kilo.
Ang presyo ng manok ay tumaas din ng P10 na naging P160 mula sa P150, at baboy na P220 bawat kilo mula P210 bawat kilo.
Nasa P200 bawat kilo mula sa P180 ang presyo ng bangus. Habang P100 bawat kilo ang presyo ng tilapia at P120 bawat kilo ang presyo ng galunggong.
Bagama’t steady ang presyuhan ng baboy sa Mega Q Mart, tumaas naman ang presyo ng manok, isda at baka.
Ayon sa mga nagtitinda, nagkulang ang suplay o delivery sa kanila noong Undas.
Narito ang presyo ng baka sa Mega Q Mart:
Laman→300/kilo (dati: 295 bawat kilo); Panlaga→215 bawat kilo (dati: 21 bawat kilo).
Buto-buto→200 bawat kilo (dati: 190 bawat kilo).
Tulad ng Tandang Sora Market, nasa P160 bawat kilo ang presyuhan ng manok sa Mega Q Mart.
Mas mahal naman ang galunggong sa Mega Q Mart na nasa P140 bawat kilo mula sa P100 hanggang P120 bawat kilo.
Nasa P170 kada kilo naman ang bangus na dating P160 sa nasabing pamilihan.
Ayon sa mga tindera at tindero asahan na habang papalapit ang Pasko ay tataas pa ang presyo ng mga bilihin.
Comments are closed.