PINAIGTING ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay sa presyo ng bottled water sa Baguio City.
Ito ay sa harap ng mga ulat ng hindi pangkaraniwang pagtaas sa presyo ng bottled mineral water kasunod ng diarrhea outbreak sa lungsod.
Ayon kay DTI Baguio-Benguet Consumer Protection Division Ralph Altiyen, nagsagawa sila ng paunang random inspection noong January 11 sa apat na establisimiyento.
Isa pang inspeksiyon ang ikinasa kinabukasan, January 12, at sinabi ni Altiyen na wala silang na-monitor na taas-presyo.
Nananawagan ang DTI sa publiko na i-report ang anumang hindi pangkaraniwang pagtaas sa DTI hotlines 665-3526 at 09178171743.