NANINDIGAN ang agriculture stakeholders na nasa P830 hanggang P850 lamang ang presyo ng kada bag ng urea fertilizer sa Central Luzon at hindi halos P1,000.
“Receipts do not lie”, sigaw ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So at sinabing mismong ang mga magsasaka ang nagpakita sa kanila ng resibo ng biniling fertilizer habang ang mga retailer ay ipinaalam din sa kanila ang outlet prices nito.
Ginawa ni So ang pahayag upang umapela at hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na tingnang mabuti ang alegasyong overpriced ang P1.8-B fertilizer deal sa Department of Agriculture.
“We are appealing to the President to take a second hard look at the issue and listen to the farmer-beneficiaries who have complained that the P1.8 billion in supply contracts awarded by the DA last month were overpriced,” nakasaad sa statement ng agriculture stakeholders.
Sinabi pa ni So na ang kinontratang presyo ng urea fertilizer ng DA ay mataas ng P150 kada bag kung pagbabasehan ang presyo nito sa iba’t ibang rehiyon.
Ang nasabing kontrata ay ini-award sa dalawang kompanya na may iba’t ibang presyo kada bag.
Sa Central Luzon ay P995 kada bag; sa Calabarzon ay P990; P995 sa Western Visayas at P900 sa Central Visayas.
Sa pagtaya ni So, aabot umano sa P260 million ang overpriced ng supply deal na maaaring makabili ng 400,000 bags ng urea fertilizer at ngayong pandemic, mahalaga aniya ang bawat piso lalo’t ang pondong ginamit ay mula umano sa government’s emergency COVID-19 response fund.
Iginiit naman ng DA na walang iregularidad sa pagbili ng fertilizer habang ang presyo na nakapaloob sa kontrata ay alinsunod sa kanilang survey sa Fertilizer and Pesticide Authority na ang average price ng urea fertilizer ay nasa P1,043 hanggang P1,062 per bag noong Marso hanggang Mayo.
Magugunitang sa kanyang ulat sa Congress, inabsuwelto ni Pangulong Duterte ang DA sa alegasyon na may iregularidad sa pagbili ng fertilizers.
Una nang nagpahayag ang Makabayan bloc sa Kamara de Representantes at maging si Senator Cynthia Villar na nais nilang maliwanagan sa umano’y iregularidad sa nasabing fertilizer deal ng DA. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.