PRESYO NG ITLOG, MANTIKA SUMIRIT

TUMAAS ang presyo ng itlog at mantika sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa Muñoz Market, P10 hanggang P30 ang dagdag-presyo sa kada tray ng itlog.

Nasa P20 hanggang P25 naman ang taas-presyo sa coconut oil. Dati, ang isang litro nito ay nasa P65 hanggang P75 pero ngayon ay umaabot na ito sa P85.

Habang ang 1.5 litro ng coconut oil na dati ay nasa P115 hanggang P120  lamang, ngayon ay nasa P140 na.

Bukod sa itlog at mantika ay tumaas na rin ang presyo ng manok sa Kamuning Market. DWIZ 882