PRESYO NG KRUDO SA WORLD MARKET, BANTAY-SARADO NG DOE

SINABI kahapon ng Department of Energy (DOE) na mahigpit nitong binabantayan ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado kasunod ng anunsiyo ng mga kompanya ng langis na ma¬higit P1 kada litro na oil price hike.

Ang price hike ay ipatutupad ng mga kompanya ng langis simula ngayong umaga.

Ang presyo ng gasolina ay tataas ng P1.60/ liter, diesel ng P1.10/liter at kerosene ng P1/ liter. Ang price increase ay bunga ng paggalaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Inihayag ng PTT Philippines, Pilipinas Shell,  Flying V at Total Philippines ang kani-kanilang price hikes at inaasahang susunod na rin ang iba pang kompanya ng langis.

Mula Enero hanggang Mayo 2018,  ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P 8.07 kada litro, habang ang diesel ay P 8.95 kada litro.

“It’s burdensome. We need to conserve and use energy efficiency. We need to more exploration like Alegria,” wika ni  DOE secretary Alfonso Cusi.

Ang local pump prices ay apektado ng presyo ng krudo sa world market at ng peso-dollar exchange rate. Sinisisi rin ang mataas na buwis.

“There is a mechanism on the implementation of excise tax when oil price reaches a certain level,” ani Cusi patungkol sa pagsuspinde sa pagpapataw ng excise tax sa sandaling pumalo na sa $80 per barrel ang presyo ng krudo sa tatlong magkakasunod na buwan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa $79 per barrel ang presyo ng krudo, ang pinakamataas magmula noong Nobyembre 2014.  LENIE LECTURA

Comments are closed.