PRESYO NG NFA RICE ‘DI TATAAS

NFA RICE

HINDI tataas ang presyo ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol dahil sa pagkakaroon, aniya, ng sapat na ­suplay ng bigas sa bansa.

Napag-alamang nabibili rin sa murang halaga ang mga lokal na palay kung kaya hindi pa tumataas ang  presyo ng NFA rice.

Sa pagtaya ng Department of Trade and Industry (DTI), bababa pa ang presyo ng bigas sa pagpasok ng mga imported na bigas bunga ng Rice Tariffication Law.

Magugunitang noong nakaraang taon ay umabot sa halos P40.00 ang kada kilo ng NFA rice. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.