PRESYO NG PETROLYO TULOY SA PAGSIRIT

MAY PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa report, simula sa Martes, ang presyo ng gasolina ay tataas ng mula P0.55 hanggang P0.65 kada litro.

May dagdag naman na P0.30 hanggang P0.40 sa kada litro ng diesel.

Maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang imamahal ng kerosene.

Ito na ang ika-16 na price increase na ipatutupad sa diesel at ika-15 naman sa gasolina ngayong taon.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ang gasolina ay nagkaroon ng dagdag na P1.60 kada litro; diesel, P1.15 kada litro; at P1.00 kada litro para sa  kerosene.

Ang price hike ay bunga ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Hanggang noong  Mayo 22, ang halaga ng diesel ay tumaas ng P6.50, habang ang gasolina ay sumirit ng P6.70.

Comments are closed.