BUMABA pa ang presyo ng sibuyas kasunod ng pagdating ng mga inangkat na produkto.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo, ang pinakamababang presyo ay naitala para sa local white onions na ipinagbibili sa P170 kada kilo, habang ang pinakamataas na presyo ay P300/kg.
Ang imported white onions ay nasa P250/kg hanggang P260/kg, mas mahal sa local white onions.
Tulad ng inaasahan ng DA, ang pagdating ng imported volume ay nakatulong sa pagbaba ng presyo sa pamilihan.
Samantala, ang umiiral na price range ng local red onions ay nasa P240/kg hanggang P350/kg, mas mataas sa presyo ng imported red onions na nasa P200/kg hanggang P250/kg.
Sa isang teleradio interview, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na pipilitin nilang maibalik ang presyo sa peak harvest levels.
“Ang pinakamababa po na presyo ay umabot sa mga PHP67 or a little less than PHP70 per kilo. So, ’yun po ang tinitingnan natin ngayon kung paano natin maibabalik ang ganoong presyo. Although ito po ay presyo sa panahon na talagang peak of their harvest,” aniya.
PNA