IGINIIT ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na pagtuunan ng pansin ang mga nasa laylayan ng lipunan upang matugunan ang problema sa gutom sa bansa.
“Lumalala ang problema ng gutom sa bansa dahil sa Covid. Kung gusto nating solusyunan ito, kailangang nakatuon ang pansin natin sa pinaka-apektado. Love of country is paying attention to the last, lost, and least of our people,” saad ni Pangilinan.
Sinabi ni Pangilinan sa kanyang pahayag noong naghatid ng food packs sa 700 na Aeta, kasama si Porac Mayor Jing Capil sa mga Barangay Babo Pangulo, Villa Maria at Inararo na madalas huling nakatatanggap ang mga Aeta dahil sa layo ng nga lugar nito.
“Madalas, ang mga kapatid nating katutubo ang huli nating naaalala kapag may bagyo o lindol o itong pandemya. Dahil malayo sila sa siyudad, nasa bundok. Kaya narito tayo para sa ating mga kababayan para ipaalam na hindi natin sila nakakalimutan. At sa abot ng ating maka-kaya, tutulong tayo,” saad nito.
Ang mga Indigenous Communities na ito ay naapektuhan ng 6.1 na lindol sa Central Luzon noong April 2019.
Ang mga pamilyang Aeta sa Barangay Diaz sa Porac ay nailipat sa temporary settlement sa Brgy. Babo Pangulo. LIZA SORIANO
Comments are closed.