PROGRESO NG ‘BUILD BUILD BUILD’ TATALAKAYIN NG PH, JAPAN

PH-JAPAN

NAKATAKDANG magpulong ang mga opisyal ng Filipinas at Japan ngayong Biyernes upang talakayin ang progreso ng Japan-funded infrastructure projects sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program.

Pangungunahan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Planning Secretary Ernesto Pernia ang Philippine delegation habang inaasahang pamumunuan ni Dr. Hiroto Izumi ang Japanese contingent sa Hakone, Japan.

Ayon kay Dominguez, ang pagpupulong ng dalawang bansa ay bahagi ng ‘fast and sure’ approach na pinagtibay ng Filipinas upang masiguro ang mabilis na pagpapatupad sa big-ticket infrastructure projects.

Aniya, ang mga kasunduan na may kinalaman sa ilang infrastructure projects ay prinoseso at inaprubahan sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Ang 10 loan agreements ay may kinalaman sa Maritime Safety Capability Improvement Project for the Philippine Coast Guard (Phase II); Harness-ing Agribusiness Opportunities through Robust and Vibrant; Entrepreneurship Supportive of Peaceful Transformation (HARVEST); Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project; Arterial Road Bypass Project (Phase III) in Bulacan.

New Bohol Airport Construction and Sustainable Environment Protection Project (II); Metro Rail Transit Line 3 Rehabilitation Project; Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (Phase IV); North-South Commuter Railway Extension Project or NSCREP (1st tranche of loan); Metro Manila Subway Project or MMSP (Phase I); at Road Network Development Project in Conflict-Affected Areas in Mindanao.

Ang pinakamalaking Japan-funded venture sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ay ang Metro Manila Subway, na nagkakahalaga ng ¥104.530 billion o P51 billion sa official development assistance (ODA) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang December 6 meeting ay ika-9 na sa pagitan ng dalawang bansa, kung saan ang una ay idinaos sa Kantei, ang Prime Minister’s Office, sa Japan noong Marso 2017, habang ang pinakahuli ay isinagawa sa Marriot Hotel sa Clark, Pampanga.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.