Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. – Opening ceremonies
5 p.m. – Foton vs. Generika-Ayala
7 p.m. – Cignal vs. Cocolife
MATAPOS ang straight-sets loss sa kani-kanilang katunggali, sisikapin ng Cignal at Cocolife na makabawi sa kanilang salpukan sa Philippine Super Liga All-Filipino Conference ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Maghaharap ang HD Spikers at Asset Managers sa alas-7 ng gabi, kung saan kapwa sila umaasa na makababalik sa trangko matapos ang pagkatalo.
Ang Cignal ay yumuko sa F2 Logistics, habang ang Cocolife ay natalo sa Petron sa kanilang unang laro.
Nanguna si opposite spiker Mylene Paat—isang rebelasyon para sa national team sa kanyang pagsabak sa Asian Games– para sa HD Spikers na may 12 points.
Nakatuon din ang lahat kay Filipino-American recruit Kalei Mau, na naging impresibo sa kanyang PSL debut makaraang magpakawala ng 13 points at 11 digs para sa Asset Managers.
Samantala, sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay masasagupa ang Foton at Generika-Ayala.
Maglalaro na wala ang towering Santiago sisters na sina Dindin at Jaja, na kapwa kasalukuyang naglalaro sa Japan, batid ng Blue Tornadoes ang malaking bakante na kailangan nilang punan.
Si Dindin ay nasa Toray Arrows, habang si Jaja ay naglalaro para sa Ageo Medics sa Japan V League.
“It’s a big challenge for us not having the Santiago sisters around for this conference. But we are confident our coaches will help us to adjust with the new system,” wika ni Foton setter Gyzelle Sy.
Comments are closed.