HINIMOK ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang publiko na lumahok sa proseso ng budget preparations upang matiyak na magkakaroon ng alokasyon at makapag-ambag sa tagumpay ng pag-unlad ng bansa.
“We are preparing our 2024 budget now. We ask the national government agencies, our GOCCs… even the LGUs to take part in our consultations,” ayon kay Pangandaman.
Paliwanag ng kalihim, nais niyang makilahok ang publiko sa budget preparation para masiguro na tugma ang budget na tumutugon sa pagsunod sa 8-Point Socioeconomic Agenda at sa Philippine Development Plan (PDP) at maabot ang layunin na single-digit poverty level, mabawasan ang deficit, at makamit ang high-middle income status ng bansa.
Ang kanyang pahayag ay nang simulan ng DBM ang serye ng mga konsultasyon sa badyet sa National Government Agencies (NGA) at Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs), bilang bahagi ng yugto ng paghahanda para sa pagbalangkas ng National Expenditure Program para sa Fiscal Year (FY) 2024. 2023 Public Spending Direction
Nagbigay rin ng opinyon si Pangandaman hinggil sa direksiyon ng administrasyong Marcos sa usapin ng pampublikong paggasta at kung paano nito mapatnubayan ang bansa tungo sa isang mataas na paglago ng trajectory.
Binigyang-diin ni Pangandaman na ang 2023 budget, na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos noong Disyembre 2022, ay ginawa upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya na itinakda sa Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).
EVELYN QUIROZ