(Publiko pinaalalahanan ng BFAR) 9 LALAWIGAN POSITIBO SA RED TIDE

Red tide

SIYAM na lugar sa bansa ang nagpositibo sa red tide toxin.

Kasunod na rin ito ng isinagawang test ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng local government units sa katubigang bahagi ng nasabing mga lugar.

Ayon sa BFAR, kabilang sa mga lugar na nagtataglay ng red tide toxin ang Milagros sa Masbate, Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Western Samar, Coastal Waters ng Biliran Islands, Carigara Bay sa Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.

Dahil dito, ipinaalala ng BFAR na hindi ligtas kainin ang anumang uri ng shellfish at maging alamang na makukuha mula sa nabanggit na coastal areas.

Maaari namang  kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag subalit kailangang hugasan at lutuing mabuti ang mga ito. DWIZ 883

119 thoughts on “(Publiko pinaalalahanan ng BFAR) 9 LALAWIGAN POSITIBO SA RED TIDE”

  1. 690395 32667As I web web site possessor I believe the content matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard work. You need to maintain it up forever! Best of luck. 99365

  2. 419919 364590Really well written story. It will be valuable to anyone who usess it, including yours truly . Maintain up the great work – canr wait to read far more posts. 90147

Comments are closed.