PINAG-IINGAT ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga mananamantala lalo na sa Ninoy Aquino International Airport habang ang Metro Manila ay sumasailalim modified enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang babala ng BOC ay upang ipabatid sa publiko na hindi nangangailangan ng bayad ang parcel o clearance fee kahit pa mapa-telepono, money remittance centers o sa personal account.
Paalala ng BOC, maging alisto sa papasukin na transaksiyon sa BOC dahil magaling gumawa ng paraan ang mga scammer upang makapambiktima sa pamamagitan ng paggamit ng pangalan ng isang Customs official o iba pang empleyado ng ahensiya.
Para aniya makasiguro ay huwag magbayad kung walang resibo ang kahera sa BOC pagkatapos magbayad ng duties and taxes.
Comments are closed.