PUBLIKO PINAGHAHANDA SA PAGDATING NG TAG-ULAN

TAG-ULAN-5

NGAYON pa lamang ay dapat nang paghandaan ng publiko ang nalalapit na pagsapit ng panahon ng tag-ulan sa bansa upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Paalala ito ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon sa publiko kasunod na rin ng anunsiyo ng state weather bureau na Pagasa na posibleng 10 bagyo ang tumama sa bansa mula ngayong buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre, 2019.

Ayon kay Gordon, mas makabubuti kung maghanda ang mga mamamayan ng 72-hour safety kit, na dapat na may kasamang pagkain, tubig, emergency tools, mga gamot, pera at mahahalagang dokumento at obserbahan ang 4Ps o ang Predict, Plan, Prepare at Practice.

“We urge the public to be more cautious this rainy season. The Philippines sits across the typhoon belt making it prone to powerful storms,” ani Gordon, sa isang pahayag. “We should always be prepared. Everyone should have a 72-hour safety kit which contains food, water, emergency tools, medicines, money and important documents.”

Paalala pa ni Gordon, dapat ding panatilihin ng publiko ang tamang hygiene at sanitation upang makaiwas sa leptospirosis, den-gue fever, cholera, sore eyes, diarrhea, sipon at trangkaso.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Gordon na nga­yon pa lamang ay handa na ang PRC at kanilang  volunteers sakaling kaila­nganin nilang umayuda sa anumang emergency na maaaring maganap.

Maging ang kanilang mga warehouse ay puno na ng pagkain at mga pa­ngunahing household items na gagamitin nila sa pag-sasagawa ng relief operations.

“True to its mantra “Logistics + Volunteers + Information Technology= a Red Cross that is Always First, Always Ready, Al-ways There,” the PRC is all set to respond to any emergency that may arise due to heavy rains and floods,” ani Gordon.

“The PRC 143 volunteers in every barangay regularly conducts an evacuation drill to make sure that every person in the com-munity is safe from different calamities they might encounter during the rainy season,” aniya. “PRC’s warehouses are also well-stocked with food and basic household items in anticipation of relief operations.”

Pinaalalahanan din naman ni Gordon ang lahat ng PRC volunteers na i-praktis ang kanilang 4Rs na report, record, respond at recognize.

Sa panahon naman  ng emergency ay maaaring kumontak ang publiko sa kanilang 24/7 Operations Center sa pamamagitan nang pag-dial ng 143 o 790-23-00 para humingi ng assistance. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.