PATULOY na tumatanggap ng mga turista ang Puerto Galera, isa sa top travel destinations ng Mindoro, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na kinumpirma ng municipal government ng Puerto Galera na ang lugar ay nanamatiling ligtas sa oil spill.
“As far as the top attractions in that particular area, including Puerto Galera, were pleased to inform the public that they are still at over 90 percent capacity as far as reservation is concerned. We invite our fellow Filipinos to patronize Puerto Galera kasi patuloy po ang kanilang tourism offerings,” wika ni Frasco.
Wala ring cancellation ng travel plans at accommodation bookings sa Puerto Galera at kalapit na major tourism destinations na iniulat ng mga miyembro ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) at Hotel Sales and Marketing Association (HSMA).
Ang Puerto Galera ay matatagpuan sa south ng Mindoro Island susunod sa Calapan City.
“For us, even our members are not affected,” sabi ni HSMA president Loleth So.
Samantala, tiniyak ni Frasco na magkakaloob ang DOT ng tulong sa mga apektadong tourism workers sa pamamagitan ng training programs para sa alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan habang ang oil spill ay nakaaapekto sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, 63 tourism sites at hanggang 1,000 tourism workers ang apektado ng pagkalat ng makapal na bunker oil mula sa MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro noong nakaraang Feb. 28.
PNA