MAKATI CITY – NADAKIP sa buy bust operation ang isang pulis na umano’y kapatid ng kumakandidatong konsehal sa lungsod na ito habang nadamay na dakpin ang driver nito sa buy bust operation kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ang suspek na inaresto na sina PO3 Christ Marquez at nakatalaga Police Security and Protection Group at ang driver nito na si Dennis Tamonan.
Nakumpiska kay Marquez ang 5 malaking plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P25,000.
Ayon sa report na isinumite ng hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Rogelio Simon sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Eliseo Cruz, dakong 10:20 kahapon ng umaga nang madakip ang mga suspect sa #132 JP Rizal. Brgy. East Rembo, Makati City.
Ang pagkakadakip sa naturang pulis ay bunsod sa ikinasang buy-bust operation ng operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni Police Major Gidion Inis.
Bukod sa buy-bust operation ay sinilbihan din ng search warrant ng operatiba ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) sa pamumuno ni Police Lt. Col. Ariel Red, na inisyu ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 150 si Marquez dahil naman paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.