(#Punchliners for frontliners) KAPUSO AT KAPAMILYA NETWORKS SANIB-PUWERSA PARA MAKATULONG SA FRONTLINERS

THANKFUL tayo na ang ating mga artista ay hindi rin tumitigil sa paggawa ng paraan para makatulong sa ating mga frontliner na showbiz eyenaglilingkod para mapangalagaan ang mga COVID-19 patients ngayong nasa enhanced community quarantine tayong lahat.

Kaya nagsanib-puwersa ang mga komedyante ng Kapuso at Kapamilya networks, ceasefire muna ang network war para sa grupo nilang binuo, ang COVIDYANTE.  Ang mga kasapi ay nasa cast ng “Bubble Gang” ng GMA at “Banana Sundae” ng ABS-CBN.

Pinangunahan ito nina Ogie Alcasid, Herbert Bautista, Janno Gibbs, Dennis at Gene Padilla. Sumali na rin si Vhong Navarro, na nag-suggest ng challenge para ipakita ang suporta sa frontliners.  Kani-kaniya na rin sila ng assignments, like sina Janno Gibbs at Jerald Napoles ang namamahala sa social media account nila habang si Ai Ai delas Alas ang magbi-bake ng tinapay para ipamigay sa iba’t ibang sectors.

Sumapi na rin sina Joey Marquez, Michael V, Kim Molina, Randy Santiago, Paolo Contis, Giselle Sanchez, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Ryan Bang.  Umaasa ang grupo na sumali pa sa kanila ang ibang mga komedyante.  Official hashtag nila ang #PunchlinersForFrontliners.

 

ALDEN RICHARDS TULOY SA PAMIMIGAY NG FOOD PACKS SA MEDICAL WORKERS

          SI ALDEN Richards, patuloy pa pala ang pamimigay niya ng mga food packs sa mga frontliners sa iba’t ibang hospitals, sa alden richardspakikipagtulungan ng kaibigan niyang si Raymond Ronquillo, @raymond¬_r33 na ang charity work naman nito at ng kanyang @sailuntirephilippines ay mag-deliver for free sa sinumang tatawag sa kanila na mamimigay ng mga relief goods and food packs nila, kahit saang lugar.  May mga trucks, pickups and rescue vehicles sila  para makatulong sa frontliners and less fortunate people.  Kaya pala nakapagpadala ng food packs si Alden sa Cebu.

Samantala, nag-announce na rin si Alden na simula ngayong Sunday, April 19, ang re-opening ng takeout orders nila ng kanyang Concha’s Garden Cafe sa Sct. Madrinan, Quezon City, from 10am to 6pm.  Marami kasi ngayong naghahanap na netizens ng mga restaurants na makakapag-order sila ng pagkain.

 

GARY V: HOPEFUL ONLINE CONCERT     

KUNG na-miss ninyo ang Gary V: HOPEFUL online concert ni Gary Valenciano kagabi, mayroon pa siya muli, April 19, at 8:30 PM.  IsangGARY V paraan ito ni Gary para magpasalamat sa kanyang mga fans and loved ones at magbigay tribute sa mga frontliners ng COVID-19, at for the benefit din ng @obphil at ng Shining Light Foundation.

Live itong mapapanoood sa Facebook.com/GaryVOfficial.

Comments are closed.