BACK to work na si Lovi Poe after five months na nagbakasyon abroad. Sa pagbabalik niya, mapapanood agad siya as a special performer sa drama-action series na “Beautiful Justice.” Bakit siya nagtagal sa Los Angeles?
“I feel like I just needed to, siguro gusto ko namang bigyan ang sarili ko ng break,” sagot ni Lovi. “Pakiramdam ko kasi, nagsimula na akong magtrabaho since I was fifteen, at simula noon wala na akong ginawa kundi magtrabaho, kaya naisip kong bigyan ang sarili ko ng time, nagpunta ako ng Los Angeles, at i-replenish ang sarili ko at bigyan din ng oras na madagdagan ang kaalaman ko sa aking craft habang nasa ibang bansa ako.”
Kumuha siya ng acting lessons, pero hindi sa school, madalas one-on-one sa acting coach na kasama niya.
“Isinabay ko na ring matuto to live independently. I live alone, ako ang gumagawa ng lahat, at ang gandang experience iyon sa akin.”
Sa “Beautiful Justice,” gaganap si Lovi bilang ang real Lovi Poe. Mapapanood siya after ng “24 Oras.”
SERYE NI ALDEN NA ‘THE GIFT’ PURING-PURI NG NETIZENS
MAY bago raw mamahaling teleserye gabi-gabi ang netizens, ito’y ang inspirational drama series ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards, ang “The Gift” na napapanood sa primetime telebabad ng GMA Network.
Sunod-sunod ang mga papuri ng netizens na sumusubaybay sa serye na kasama ni Alden sina Elizabeth Oropesa as Lola Char at Jo Berry as Nanay Strawberry, ang mag-inang kumupkop kay Joseph na kilala bilang si Sep. Lumaki si Sep na barkada sina Amor (Mikee Quintos) at Bistek (Mikoy Morales) at kinagigiliwan silang panoorin, iba raw kasi ang atake sa story at ang huhusay ng mga nagsisiganap. Narito ang ilang comments ng mga netizens:
@isabelilacad1 “ang teleseryeng kaya kong bitawan phone ko, gawin lahat bago mag-start para maka- focus. Every scene is worth watching.”
@avea991 “ang ganda talaga ng story, true to life!” @auntie_cera “Ang ganda ng pilot week direk!
Gustong-gusto ko ‘yung may malalim na message(s) about choosing what’s right every episode. Keep it up.”
@titanamanang pa “Dami kong tawa kay Alden! So refreshing to see @aldenrichards02 do comedy. Ang galing nya! Thank you Direk!
@akosi_LA” @yanggerski “This serye shows how a family faces the challenges in their lives but did not forget the lessons & values it can give. It also teaches us the importance of FAITH IN GOD. Congratulations on your pilot week @aldenrichards02 and to the whole team.
@GwenLigayaEJ“What I love about The Gift? Halos lahat I love the fact that there is a balance. Effective sya as a dramedy. There are life lessons in every ep. Its really not your typical TS. Iba. Plus Sep, Nay Straw, Lola Char plus Amor and Bistek are all so adorable.”
@pretty_mina “The combined attitude and parenting ways of Nay Straw & Lola Char is good for Sep. There is balance and most esp pure love. This show must be watched by new & young parents.”
Napanonood gabi-gabi ang “The Gift” na dinidirek ni LA Madridejos, pagkatapos ng “Beautiful Justice.”
Comments are closed.