PAPAYAGAN na ng government task force on coronavirus pandemic ang produksiyon at pagbebenta ng alak sa mga lugar na isasailalim sa loosened community quarantine simula sa Mayo 1, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.
“The blanket resumption of all manufacturing in general community quarantine (GCQ) areas covers wines and spirits,” ani Lopez, kasabay ng paglilinaw na ang liquor ban ay polisiya na ipinatupad ng mga lokal na pamahalaan at hindi ng task force.
“Under GCQ, allowed na po ang lahat ng manufacturing. ‘Yung pag-distribute po, at least as far as IATF (inter-agency task force) is concerned, wala naman po kaming inisyu na pag-ban ng mga alcoholic beverages, so ‘yun po isang mga polisiya na pinaiiral naman ng iba’t ibang LGUs,” anang kalihim.
“Sa IATF po, pagdating sa retailing, wala po tayong pinipili,” dagdag pa niya.
Ilang local government units (LGUs) ang nagpatupad ng liquor ban sa kanilang mga nasasakupan habang naka-quarantine ang buong Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng millions coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang enhanced community quarantine ay magpapatuloy hanggang May 15 saMetro Manila at iba pang lugar na may high risk sa COVID-19 outbreak.
Comments are closed.