PVL: CREAMLINE VS PETROGAZZ SA FINALS?

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – PLDT vs PetroGazz
6:30 p.m. – Creamline vs F2
Logistics

SISIKAPIN ng PetroGazz at Creamline na makaulit sa PLDT at F2 Logistics, ayon sa pag- kakasunod, upang maisaayos ang Premier Volleyball League All-Filipino championship showdown ngayon sa Mall of Asia Arena.

Naiposte ng Angels at Cool Smashers ang four-set victories sa opener ng kani-kanilang best-of-three semifinal series nitong weekend at kapwa sila determina- dong tapusin ang serye sa layun- ing magkaroon ng panibagong kabanata ang kanilang rivalry na nagsimula noong 2019.

Tinalo ng PetroGazz ang Creamline sa Reinforced Confer- ence finals, subalit rumesbak ang Cool Smashers sa Angels sa sumunod na Open Conference.

Muli silang nagharap sa parehong torneo, na tinawag na Open Conference noong nakaraang taon kung saan muling namayani ang Creamline.

Subalit tiyak na papasok ang High Speed Hitters at ang Car- go Movers sa krusyal na laban ngayon na armado ng magkaibang pag-iisip at key adjustments na kinakailangan para matamo ang breakthrough.

Nakabawi ang PetroGazz mula sa first-set loss bago dinis- patsa ang PLDT, 22-25, 25-19, 25-21, 25-18, sa Game 1 noong Sabado.

Minaliit ni Oliver Almadro ang pagresbak ng Angels ngu- nit binigyan ng kredito ang High Speed Hitters sa pagtulak

“PLDT is a really great team. But great teams will just push us forward,” sabi ni Almadro, na ang tropa ay umaasang masibak ang High Speed Hitters sa alas-4 ng hapon. “Na-push nila kami to our limits, so nakita namin kung ano pa ‘yung pagkukulang, especially nung first set at noong second set na pitpitan talaga.”

“What’s good is that these girls are really fighters. They’re humble and they’re fighters, and they re- ally want it,” dagdag pa niya. Tulad ng High Speed Hitters, ang Carg Movers ay mangan- gailangan ng maraming adjustments para mapabagal ang Cool Smashers sa kanilang 6:30 p.m. match.

Sa 26-24, 25-18, 22-25, 25- 15 panalo noong Sabado, ang Creamline ay nagpakawala ng 69 attack points laban sa’ 38-hit out- put ng F2 Logistics, na ininda ang patuloy na pagliban ni Myla Pab- lo, na hindi naglaro magmula nang makaranas ng cramps sa kanilang laro kontra Choco Mucho noong nakaraang March 7.

Sa kabila ng kanilang bentahe, binigyang-diin ni coach Sherwin Meneses ang pangangailangang paghandaan ang ng Cool Smashers ang pagresbak ng Cargo Mov- ers. “Hindi pa tapos ‘yung laban. So, kailangan pa talaga magprepare. Pero happy kami naka-isa na kami sa F2,” sabi ni Meneses.