Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PLDT vs F2 Logistics
6:30 p.m. – Chery Tiggo vs Cignal
IPAPARADA ng F2 Logistics at PLDT ang kanilang mga bagong coach sa kanilang paghaharap sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference ngayon sa Philsports Arena.
Ang nag-iisang female mentor sa liga, umaasa si Regine Diego na maibalik ang maliligayang araw ng Cargo Movers sa 4 p.m. duel sa High Speed Hitters.
“I can say the girls are going to be 100 percent healthy but the peak form, nobody can say that. We’re trying our best to manage whatever it is we can manage for this conference and to prevent those injuries to recur again,” sabi ni Diego.
Ang health issues ay isa sa mga dahilan kung kaya nabigo ang F2 Logistics sa dalawa sa tatlong conferences na nilahukan nito noong nakaraang taon.
Kinuha ng Cargo Movers sa off-season si Myla Pablo upang makasama nina Majoy Baron, Aby Maraño, Kim Kianna Dy, Kim Fajardo, Iris Tolenada at Ivy Lacsina. Winelcome din ng F2 Logistics ang nagbabalik na si Cha Cruz-Behag.
Ipaparada ng PLDT si rising coach Rald Ricafort sa pagtatangka nitong makabawi mula sa pagkabigong makaakyat sa podium noong nakaraang season.
Tutulungan ni High Speed Hitters assistant coach Arnold Laniog si Ricafort sa sidelines.
“We consider all teams as contenders. It’s a matter of kung sino maka-sustain yung magandang performance from start until the end yun talaga yung ano. For us at PLDT, we will challenge every opponent and we will spring surprises,” sabi ni Laniog.
Si Mika Reyes ang magiging bagong skipper ng PLDT na kinabibilangan din nina Rhea Dimaculangan, Dell Palomata, Fiola Ceballos, Jovie Prado, Jules Samonte at Kath Arado.
Sina Michelle Morente at Ysa Jimenez ang nadagdag sa High Speed Hitters.
Samantala, magbabalik si Aaron Velez returns bilang Chery Tiggo head coach sa 6:30 p.m. clash sa Cignal.
Si Velez ang gumabay sa Crossovers sa Open Conference championship sa Bacarra, Ilocos Norte bubble noong 2021.