PVL: Q’FINALS TARGET NG 3 KOPONAN

Standings W L
Akari 6 0
Cignal 5 1
Creamline 4 1
PLDT 4 1
Chery Tiggo 4 1
Capital1 4 2
PetroGazz 2 3
Farm Fresh 2 4
Choco Mucho 1 4
Nxled 1 5
ZUS Coffee 0 5
Galeries Tower 0 6

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
1 p.m. – Chery Tiggo
vs Choco Mucho
3 p.m. – Creamline
vs PetroGazz
5 p.m. – PLDT vs
ZUS Coffee

PAKAY ng Creamline, PLDT, at Chery Tiggo ang quarterfinals berths sa magkakahiwalay na laro sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong Martes sa Philsports Arena.

Umaasa ang tatlong koponan, na tinapos ang first round ng preliminaries sa joint first place sa Pool A na may magkakatulad na 4-1 records, na samahan ang Akari (6-0) at Cignal (5-1) sa susunod na round.

Matapos ang conference-opening loss sa High Speed Hitters, ang Cool Smashers ay kumarera sa apat na sunod na panalo, salamat sa solid performances nina American reinforcement Erica Staunton, Bernadeth Pons at Michele

Gumabao, na pawang nag-step sa pagkawala nina top guns Jema Galanza, Tots Carlos at Alyssa Valdez, gayundin kay setter Kyle Negrito.

Gayunman ay mapapalaban ang Creamline sa PetroGazz na target ang unang winning streak sa conference sa alas-3 ng hapon.

Umaasa naman ang PLDT na maibalik ang kanilang winning ways sa 5 p.m. clash sa wala pang panalong ZUS Coffee.

Naputol ang four-match winning streak ng High Speed sa five-set defeat sa Crossovers noong nakaraang August 3.

Makakasagupa ng Chery Tiggo ang inaalat na Choco Mucho sa 1 p.m.curtain raiser. Iniinda ang pagkawala ni high-flying Sisi Rondina, ang Flying Titans ay natalo ng dalawang sunod, kabilang ang straight-set defeat sa Angels noong nakaraang linggo.

Ang Choco Mucho ay nasa ninth place na may 1-4 record, naghahabol ss eight-running Farm Fresh (2-4) ng kalahating laro sa karera para sa huling quarterfinals berth.

Ang Capital1, sa likod ni high-scoring Russian import Maria Tushova, ay kailangan na lamang ng isang panalo para sa isang puwesto sa quarters sa 4-2 record sa sixth place.

Ang PetroGazz, ang two-time Reinforced Conference champions na nahirapan sa kabila ng pagbabalik ni Cuban Wilma Salas, ay nasa top 8 zone pa rin na may 2-3 kartada.

May 0-5 marka, kailangan ng Thunderbelles na walisin ang kanilang nalalabing tatlong laro sa second round at hanggang maaari ay umiwas sa five-set wins at umasang ang No. 8 team ay hindi maka-4 na panalo para magkaroon ng pag-asang makausad sa susunod na round.