PYROTECHNICS LABORATORY ISUSULONG SA BULACAN

ISINUSULONG ng Pyrotechnic Regulatory Board (PRB) ng Bulacan ang pagpun­dar ng isang pyrotechnics labo­ratory sa lalawigan.

Ayon kay Celso Cruz, president emeritus ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc. (PPMDAI) at kasalukuyang vice chairman ng PRB, ang nasabing laboratoryo ay magagamit para sa pagtesting ng lahat ng pyrotechnics products at manufactu­ring process nito sa lalawigan ng Bulacan.

Ang lalawigan ng Bulacan partikular na ang bayan ng Bocaue ay kinikilalang Fireworks Capital ng bansa.

Ang mga produkto ng industriya ng paputok at pailaw ay tradisyong nakaugalian ng mga Pilipino na gamitin sa pagpasok ng Bagong Taon, piyestahan, sa panahon ng kampanyahan tuwing magkakaroon ng elek­syon at sa mga mahahalagang okasyon.

Sa pamamagitan pyrotechnic testing laboratory, sinabi ni Cruz na magagabayan ang mga local manufacturer sa tamang timpla ng pulbura sa kanilang produkto at makaiwas ang mga ito sa accidental explosions.

Aniya, kung maitatayo ang Bulacan Pyrotechnic Laboratory, malaking bahagi ng mga accidental explosions sa industriya ng paputok at pailaw ang maiiwasan dahil masisigurado na ang chemical formulations ng mga produkto nito ay aayon sa makabagong paraan at hamak na ligtas sa nakasanayang pormulasyon ng mga local manufacturer.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang pangkaraniwang formula na ginagamit sa mga lokal na produkto ay mahigit isang daang taon nang ipinagbaba­wal sa ibang bansa dahil sa unstable conditions nito na nauuwi sa spontaneous combustions.

Sinabi pa nito, ang administrator ng Firecracker Law o Republic Act 7183 ay ang Phi­lippine National Police (PNP).

Ayon pa kay Cruz, base sa Implemen­ting Rules and Regulation nung taon 2012 ng Republic Act 7183, ” The PNP is hereby is hereby authorized after public hearing and consultations with the firecrac­kers and pyrotechnic industry, to promulgate rukes and regulations necessary to regulate and control the manufacture, sale, distribution, use and importation, inclu­ding the determination and review of the gun powder and othe raw material content of firecrackers and pyrotechnics devices in accor­dance with the provisions of this Act. Provided, that the local chief executives shall be given the authority to promulgate the necessary rules and regulations within the territorial jurisdiction in conformity with the national standards, rules and regulations.”

Kaya’t mungkahi ni Marlene Lea Alapide, pangulo ng PPMDAI, ang pyrotechnics laboratory ng Bulacan ay mapapasailalim ng superbisyon ng PRB.

Ito ay gagamitin para ma-testing ang mga produkto ng mga manufacturer paputok sa Bulacan kung ginagamit pa nila ang ipinagbabawal na unstable na pormulasyon na paghahalo ng potassium chlorate at sulfur.

Bukod dito, lahat ng produkto sa industriya ng paputok at pailaw sa Bulacan ay isasailalim sa inspection ng PRB para sa technical capability ng mga ito at tanging mga sertipikadong produkto ng PRB ang maaaring ma-isyuhan ng lisensya para sa paggawa nito at matatakan na “MADE IN BULACAN”. ANDY DEGUZMAN

6 thoughts on “PYROTECHNICS LABORATORY ISUSULONG SA BULACAN”

Comments are closed.